"Kultura ng Bansa,
Pahalagahan Gamit ang Wika"


Alam naman natin na ang wika ay ang pinakamabisang instrumento para mapatunayan na pinahahalagahan natin ang ating kultura. Marami tayong iba't ibang kultura at kasaysayan mula sa ibat ibang parte ng Pilipinas. Ngunit ang iba sa mga mga kultura ay hindi man naalis o nakalimutan at may mga nadagdag na pagbabago. Marami na tayong ginawa upang mas makilala pa ang ating bansa. Ang kultura ay salamin ng ating bansa kung kaya't sa bawat kultura na ating ginawa ay mapapansin ang bawat butil o katiting na guhit sa ating bansa, dito sa larawan na ito makikita natin ang ibat ibang gawain ng isang pilipino ang pagkain ng malalagkit. Mga pambansang laro. At ang bayanihan na pinagtutulungan ng isang barangay. At ang watapat ng pilipinas na binubuo ng Araw na may walong silahis na kinakatawan nito ang unang walong probinsiya na unang nag-alsa laban sa mga Espanyol. tatlong bituin na kumakatawan sa tatlong pangunahing isla ng bansa, ang Luzon, Visayas at Mindanao at ang puting triyangulo na sumasagisag sa Katipunan. Ang kulay puti ay sumasagisag din sa kadalisayan at pagkakapantay-pantay. kulay pula, ito ay sumasagisag sa pagkamakabayan at kagitingan. kulay asul na sumasagisag ito sa kapayapaan, katotohanan at katarungan. Yan ang mga simbolo na sumasagisag sa makabayang pilipino.

Mga Komento